Sunday, July 26, 2009

sino ang lumapastanggan kay Mr. K?


Tahimik na namumuhay si Mr. K. Hindi sya palaaway at malinis din sya sa kapaligiran. May isa lang syang bisyo na tiyak kong hindi kinatutuwa ng iba – mahilig syang makikapitbahay. Pero nauunawaan ko naman kung bakit. Malungkot sa kinalalagyan nya. Maski ikaw ang nasa sitwasyon nya, matututo ka ring maki-kapitbahay.

Sagana sa pagkain at aruga si Mr. K kaya seguro kinainggitan sya ng mga salbaheng lumapastanggan sa kanya. Kahindik-hindik ang ginawa nila. Wala silang awa at respeto. Halos ikinamatay na ni Mr. K ang ginawa nila sa kanya.

Kaya kung sino man ang nakakita ng krimeng ito, paki text naman sa akin ang itsura ng mga kriminal at nang hindi na maulit sa iba ang nangyari kay Mr. K.

Nasa ibaba ang kuha ni Mr. K matapos ang krimen.



~ 0 ~





Tignan mo kung gaano ka-brutal ang mga kriminal na yan. Hindi pa nga ako nakakaani ng talbos, inunahan na nila ako!

Dito daw huling nakita ang mga kriminal:

Naglaglagan sila mula dyan sa mga puno sa likod bahay.

No comments: