Friday, July 24, 2009

bad trip

Nung una ko pa lang syang makita, mainit na dugo ko sa kanya. Hindi ko alam kung dahil busangot ang mukha nya o dahil sa pakiwari ko ay may negative vibes na nagmumula sa kanya.

Kung maari lang ay ayaw ko syang makausap o makita sa hallway. Nawawala kasi ang mga ngiti sa labi ko pag nakikita ko sya. Ang nakakatawa (nakakatawa nga kaya???) ay limang beses ko na syang tinawagan ngayong araw na ito. May mali syang nagawa kahapon at ako ang kailangang umayos ng pagkakamali nya. GRRRRHHHH! Sa dinami-dami naman ng pwedeng magkamali dito sa opisina, bakit sya pa?

Ilang beses ko ng sinubukan na ngitian sya, baka kasi mali lang ang impression ko, pero walang epekto. Para kang ngumiti sa hangin.

Anyway.....

Alam ko, bad ako ngayon.

1 comment:

Adelle said...

at sino naman tong asungot na mukhasim vinegar?hehe..natatawa ako sa blog mo..at ang galing mong managalog ha..taga Luzon ka nga..ako kasi siyempre, bisaya..hehe..