Tuesday, March 17, 2009

PINOY sino ka na nga bang talaga?!?


Nung Linggo niyaya ako ni Ate Rose manood ng Harmony Week concert sa Perth Concert Hall. Ang Western Australia kasi ay isang malaking melting pot ng iba't ibang kultura. Sa office ko na nga lang, parang United Colors of Benetton na, dahil sa dami ng iba't-ibang lahi.

Dun sa concert may kanya-kanyang presentation ang iba't-ibang mga bansa. May kumanta sa sarili nilang wika. May tumugtog ng instrumento na sa bansa nila nag-originate. Ang karamihan ay sumayaw ng kani-kaniyang katutubong sayaw.

Nakakatuwang panoorin kasi noon ko lang nalaman na may sayaw pala sa Indonesia na kaparehas ng Muslim dance natin. May isang Asian country din na may sayaw na gaya ng Pandanggo sa Ilaw. Nakakaaliw yung can-can dance ng France, akala mo ay nasa Las Vegas ka at nanonood ng isang show dun. Ang finale ay ang India. Napaka-ganda ng Bollywood dance na ginawa nila. Engrande!

Sa totoo lang, hindi ko kinatuwa ang presentation ng Pilipinas. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit hip-hop ang sinayaw nila at ang kanta ay english ng isang foreign artist. Ang tanging "pinoy" sa presentation nila ay ang suot nilang jacket na may bandila ng Pilipinas at hawak hawak din nila nung una ang napaka-laking Philippine flag. Ah, isa pa pala yung voice over dun sa kanta ng salitang "Pinoy hip-hop", na mga 3 o 4 na beses kong nadinig.

Ang sa akin lang naman eh, ang daming Filipino folk dance na pwedeng isayaw, bakit hip-hop pa? Pwede rin na ginamit nila ay kanta ni Francis M o Gary V o kung sino pa mang Filipino artist, bakit kanta pa ng foreign singer? Binigyan na nga tayo ng pagkakataon upang ipagmalaki at ipakita sa ibang lahi ang natatangi nating kultura bakit hindi pa natin sinamantala?

O Pinoy, o Pinoy, sino ka na nga bang talaga? Kilala mo pa ba kung sino ka?


Closing ceremony. There were more than 200 people on the stage. It can't be seen on this shot but the Philippine delegate is at the far left.

The concert hall.

1 comment:

Anonymous said...

nabanggit nga to ni ate..I think she went here too..haay naku excited ako mag meet kayo..