

(Note: Pictures were taken on Sunday - a family day - before the church service started. Apparently, there were more than 2,500 on that day.)Hindi na bago sa akin ang tumulong sa kusina. Pinaka-paborito kong gawain ay ang maghugas ng plato, kaldero, etc. Pakiwari ko kasi naglalaro ako - may bubbles at running water.
Yan ang dahilan kung bakit hindi ako nag-dalawang isip ng tanungin ako ni Tracey kung gusto kong mag-volunteer sa kitchen sa first ever Mighty Mens Conference dito sa Australia. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagsagot ko ng "yeah, why not!".
Feb 27-Mar 1 yung conference. 1,600 men from all over OZ ang nag-attend.
Whoa!!! Take note - M.E.N.
Alam naman natin kung gaano kalakas kumain ang mga lalake. Sa buong buhay ko noon ko lang naranasan maghapong maghiwa ng lettuce, maghugas ng kaldero na kakasya na ako sa loob, at paulit-ulit na tanong "do you want white bread or brown bread?"
It was an EXHAUSTING experience but it was also FUN. Gagawin ko uli yun kung may pagkakataon. Ang sarap atang maglingkod!
No comments:
Post a Comment