Monday, March 9, 2009

magandang balita

Nakatanggap ako ng text mula kay Paulo, "tawag ka naman..."

Kinabahan ako nung mabasa ko, bihira lang kasi ang kapatid ko mag request na tawagan ko sya. Kadalasan nagte-text sya ng ganun pag may problema sya. Kumakabog ang dibdib ko habang dina-dial ko number nya.

Nawala lang ang kaba ko ng marinig ko na masaya ang boses nya. Ibabalita pala nya sa akin na natanggap na sya as supervisor sa Bench. Isang bwan din syang nag-training dun at habang nasa training hindi pa nya segurado na matatanggap sya. Kanina lang nya nalaman na napili sya sa batch nila.

Made-destino sya sa SM Pampanga. Kaya kung sakaling maligaw kayo sa Pampanga, bisitahin nyo naman kapatid ko sa Bench shop.

Thank you Lord for this blessing. Thank you for answering our prayers.

1 comment:

clarizapauline said...

Kuya Paolo works at Bench now?!

Whoo! I'm not surprised. Haha