First time nag-celebrate ng festival sa Beaufort Street kahapon, at sa totoo lang, ang boring nya! Walang binatbat sa festival natin sa Pinas. Karaniwan kasi dito pag sinabing festival ay puro inuman. At ganun na nga ang nangyari kahapon, tanghaling tapat pa lang may mga lasing na. Dahil sa hindi kami nag enjoy ni Jenny sa festival kuno, eto at nag-picture-picture na lang kami.
~ 0 ~
Kanina after church service ay nag punta kami nina Jenny at Hermie sa Oscar & Sons Restuarant para mag tanghalian. Ni-recommend kasi ni Sylvia 'to sa akin noon pa. Over looking the ocean daw kasi yung restaurant at mura lang ang pagkain at malapit lang naman daw sa church. So mega drive ang lola gamit si Lee (ang aking GPS na malapit ko ng itapon!). Ang napaka-reliable kong GPS, inukut kami kung saan! Gusto ko ng maiyak dahil 25Kms na kami mula sa church ay hindi pa rin namin nakikita yung restaurant! Alam mo ba kung ano ang pumapasok sa isip ko habang nagmamaneho? "Sana andito si Bill. Hindi mangyayari 'to kung sya ang nagmamaneho." Oh well...
After almost 30mins of driving natuntun din namin yung Oscar. Over looking the ocean nga at masarap naman yung pagkain. Pero hindi sya kamurahan ha.
Ibang way ang dinaanan namin pabalik ng Perth. Kahit saan ako sumuot, malayo talaga sya! Isang oras ang layo nya sa Perth. Isa lang ang masasabi ko sa experience na 'to - HINDI NA AKO BABALIK DUN!!!!
No comments:
Post a Comment