Manonood kami ni Bill mamaya ng classical concert. Nung nasa Pinas pa ako, madalas yung radyo ko ay nasa isang istasyon lang na ang mga tinutugtog ay classical. Pangarap ko din noon na makapanood ng live classical concert. Ayan, matutupad na mamayang gabi!
Buti na lang at game din si Bill na manood kahit na ang type nyang music ay ROCK! Malakas ang kutob na makakaiglip yun habang nakikinig sa tugtugin. Bahala sya! Basta ako, i-enjoy ko yung pagkakataon na makapakinig ng live classical concert.
No comments:
Post a Comment