Sunday, October 24, 2010

buhay ng isang kusinera

Kahapon nagluto ako ng:

Madras pasta - para kay Sylvia at Peter.

Chicken with eggplant and rice noodles - para sa akin. Pinaganda ko lang ang tawag pero sa totoo lang, pancit sya na talong at manok lang ang sahog! Kailangang maging inventive pag wala ng laman ang fridge. Pero in fairness, masarap sya!

Leche Flan - para sa parents ni Bill. Hindi ako nagpapalakas ha! Gusto ko lang matikman nila ang leche flan.

Paplova - napilitan lang akong gawin para hindi masayang yung egg whites. Pero pagkalabas ng oven diretso si paplova sa basurahan. Mas mukha syang putong puti kesa paplova.

Kaninang 5am, nag start na uli akong magluto. This time puto naman. Kailangan kasi namin magdala ng finger foods sa church para sa luncheon. First batch ng aking puto ay diretso din sa basurahan. Para kasing mukha ng bwan yung ibabaw - uka-uka. At nasobrahan ako ng lagay ng food color yellow. Naisip ko na hindi maeengganyo ang mga puti na kainin yun. Baka akalain nila nilalason ko sila. Buti yung second batch OK naman.

After church, nagluto uli ako ng madras pasta. This time para naman sa parents ni Bill at sa ka-officemate kong Italian at vegetarian na si Riccardo. Oh-oh, sana magustuhan ni Mr. Italian yung pasta ko.

Matapos kong maihatid yung pasta at yung leche flan kina Bill, yung lababo naman ang hinarap ko. Maniniwala ka ba na ngayon lang ako natapos sa gawain ko sa kusina?

Hay, ang buhay kusinera......ENJOY!!!

Saturday, October 23, 2010

WA Baptist Church Sports Fest 2010

Last month nag volunteer din ako sa WA-wide sports fest ng Baptist Church. Sa Australind-Bunbury ginanap kaya nag-byahe uli kami ni Yaris. Halos 200kms din ang layo nya sa City at walang magandang view along the way. Hindi, mali, hindi "walang magandang view" kundi WALANG VIEW along the way! Hindi ako nagbibiro - wala talagang view.

Kakapagod magdrive! Sa totoo lang, hindi ko nae-enjoy mag-drive. Napipilitan lang ako dahil kailangan. Kung pu-pwede nga lagi na lang ako sa passenger seat eh.

Tanong ng mga kaibigan ko bakit hindi ako sinamahan ni Bill since hindi ko pa naranasan mag drive mag-isa ng ganun kalayo. Hay naku, ang mokong, mas importante pa sa kanya ang manood ng footbal finals kesa samahan ako!

Kung yung room ko sa Yanchep ay luma at amoy kulob, ang sa Bunbury naman ay wow!

Nagandahan ako sa Bunbury. Hindi imposibleng bumalik ako dun at mag spend ng ilang araw para ikutin yung lugar.

More than 1,300 ang participants and volunteers. Ang nakakabilib, sobrang organized sila at well behaved ang mga participants. Nagsabi na ako dun sa organizer na hindi ako magdadalawang isip na maging hospitality girl uli next year!

~ 0 ~

Opening day


~ 0 ~

Ang aking wow room! Mga Filipina yung workers sa hotel kaso hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makipag usap sa kanila eh. Yung konting oras na pahingga ko ay ginugol ko sa pagtulog. Sabi sa iyo eh, nakakapagod talaga mag-drive!



~ 0 ~

The view from my room.


Around the town of Bunbury.






more bday pictures

Dapat matagal ko ng pinost 'to pero dahil sa kabisihan, hindi ko mawari bakit parang lagi akong kapos sa oras, ngayon ko lang nagawa - mahigit isang bwan matapos ang birthday ko!

Nag-overnight ako sa Yanchep Park nung 21 Sept. Yan ang park na pinaka paborito ko dito sa Perth, kaya kahit na 35kms ang layo nya sa bahay ko sige pa rin ako. Eto ang kagandahan ng may kotse, makakapunta ka kahit saan mo gustong pumunta na hindi umaasa sa iba.

Eto yung hostel na tinirahan ko. Maganda sya sa labas pero luma na ang mga kwarto.

Eto naman yung lake sa loob ng park.

At eto yung mga messages na natanggap ko mula sa Pinas. Ang dami pa palang nakaalala sa akin sa Pinas, ano?

At eto naman ang bday girl....